^

Probinsiya

Paslit dinedo sa sakal

- Nina Ed Casulla at Francis Elevado -
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Imbes na arugain ang anak na paslit ng sariling ama ay nagawa nitong patayin sa sakal at takpan ng unan sa mukha ang bata sa loob ng pag-aaring videoke bar sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Nangingitim na ang katawan nang matagpuan ang biktimang si John Rubis, 5, samantalang ang suspek na nasakote at nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng lason ay nakilalang si Gorgonio Rubis, may-ari ng 4 The Boys Videoke.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa mga kapitbahay ng pamilya Ruiz, naaburido sa buhay ang suspek dahil iniwan ng kanyang misis.

Posibleng sinaniban ng masamang espiritu ang suspek at ang pinagdiskitahan ang sariling anak na lalaki.

Nabatid na pinasok ng suspek ang kuwarto ng anak na natutulog bago sinakal at tinakpan ng unan sa mukha ang biktima upang hindi makahinga hanggang sa mamatay.

Napag-alamang tinangkang takasan ng suspek ang krimen sa pamamagitan ng lason saka sumakay ng van, subalit maagap naman ang pulisya at naharang ang sasakyan pagsapit sa checkpoint.

Agad naman isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang suspek matapos na malamang uminom ng lason, habang inihahanda ang pormal na asunto.

BARANGAY BAGUMBAYAN

BOYS VIDEOKE

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

GORGONIO RUBIS

IMBES

JOHN RUBIS

LEGAZPI CITY

NABATID

NANGINGITIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with