Alitan ng 2 pamilya, 1 patay
May 24, 2006 | 12:00am
CAVITE Pinaniniwalaang alitan ng dalawang pamilya kaya pinagbabaril hangggang sa mapatay ang isang 30-anyos na magsasaka ng mag-aama habang sakay ang biktima ng kabayo patungo sa bukid na sakop ng Barangay Batas, Silang Cavite, kamakalawa ng gabi. Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Erwin Amoranto, samantalang tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Adorico Ruiz, at ang tatlong anak na sina Oscar, Joey at Jim na pawang nahaharap sa sakong murder. Ayon kay SPO3 Eduardo Eusebio, nagtanim ng galit ang mga suspek laban sa pamilya ng biktima matapos na ireklamo sa barangay captain ang pananaga ng isa sa pamilya Ruiz sa alagang guya ng pamilya Amoranto hanggang sa maganap ang pamamaslang. Ang pananaga sa guya ng biktima ay nag-ugat matapos na pumasok sa lupain ng mga suspek at kainin ang mga tanim na gulay. (Lolit Yamsuan)
BATANGAS Patay agad ang isang 42-anyos na kagawad ng barangay makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay 10, Lipa City, Batangas kahapaon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Inspector Jose Sulit, hepe ng Investigation and Intelligence section ng Lipa PNP, ang biktimang si Gerry Robles, 42, ng Barangay Tipakan ng nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga, binabagtas ni Robles ang kahabaan ng Bonifacio St. lulan ng kaniyang Nissan pick-up na may plakang PFA-981 nang paputukan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo. Nagtamo ng walong tama ng bala ng baril ang biktima sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan. (Arnell Ozaeta)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am