Paslit, binata patay sa bundol

CAVITE– Isang 5-anyos na bata at binata ang nasawi makaraang mabundol ng sasakyan sa magkahiwalay na lugar kahapon sa lalawigang ito.

Hindi na umabot sa pagamutan ang batang biktima na si Mark Jhun Pomasin, ng Morning Glory Subd. Area B, Queensrow, Bacoor habang basag ang bungo at lasug-lasog ang katawan ng biktimang si Eugenio Annova Jr., 16, binata at residente ng Anabu 1-C, Liwayway Village, Imus, pawang sa lalawigan.

Kaagad namang sumuko sa pulisya ang nakabundol sa bata na si Edilberto Delaro, 43, may-asawa at residente ng 364 Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas Cavite at kasalukuyang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Batay sa imbestigasyon nina SPO2 Wilfredo David at PO2 Ernesto Caparas, alas-5:30 ng hapon habang ang bata ay naglalaro nang bigla na lamang itong tumawid sa kalsada na hindi napansin ng driver kaya nabundol nito ng minamanehong jeep (DHU-865).

Samantalang si Annova ay agad na namatay ng mahagip ng isang sasakyan at tinakbuhan ito ng driver sa Gen. Emilio Aguinaldo hi-way Brgy. Anabu 1-C Imus Cavite dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon. (Lolit Yamsuan)

Show comments