Trader binistay ng bala
May 22, 2006 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang negosyante ang dinukot sa kanyang bahay at makalipas ng kalahating oras ito ay natagpuang tadtad ng tama ng bala sa katawan kamakalawa ng gabi sa Sitio Luyang, Barangay Lictin, San Andres, Catanduanes.
Nakilala ang biktima na si Salvador Aquino Jr., 48, may-asawa, junk buyer/ seller at residente ng Barangay Cabcab, San Andres, nasabing lalawigan.
Batay sa ulat ni P/Supt. Francisco Penaflor, Police Provincial Director, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-11:30 ng gabi na nakahandusay sa tabi ng kalsada.
Nauna rito, dakong alas-11 ng gabi nang sapilitang tinangay ang biktima sa loob ng kanyang bahay ng dalawang armadong lalaki saka isinakay sa isang motorsiklo patungo sa di malamang lugar.
Matapos ang 30 minuto, nakita na lamang ng mga taong napadaan sa nasabing lugar ang negosyante na wala nang buhay at tadtad ng tama ng punglo sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 pistola malapit sa bangkay ng biktima.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang awtoridad kung may kinalaman sa kanyang negosyo ang pagpatay sa biktima at pagkakakilanlan sa mga tumakas na suspek. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended