Nahaharap sa kasong forcible abduction at 3 counts of rape ang suspek na si Ramil Sanchez, binata, tubong Cebu City at naninirahan sa Lapuz Compound, Brgy. Sanbermicristi, nasabing lalawigan.
Nailigtas naman ng awtoridad ang biktima na itinago sa pangalang Jenny, 16, ng Brgy. Barrera.
Ayon sa salaysay ni Jenny, noong Mayo 16, dakong alas-6 ng gabi ay sapilitan umano siyang tinangay ni Sanchez habang siya ay nasa Cabanatuan City Public Market at dinala sa isang boarding house sa Cantarilla St., Brgy. Valdefuente.
Nabatid sa biktima na sa loob umano ng tatlong sunud-sunod na gabi ay pinagsamantalahan ng suspek ang mura nitong katawan.
Sinabi ng pulisya, nagtungo sa kanilang himpilan ang ina ng biktima at inireport ang pagkawala ng huli. Kaagad namang inalerto ang mga asset ng pulisya hanggang sa isang impormasyon ang kanilang natanggap na may isa umanong dalagita na dinala sa nasabing lugar.
Nitong Mayo 19, dakong alas-10 ng umaga, matagumpay na na-rescue ng pulisya at mga opisyal ng naturang barangay ang biktima sa nasabing bahay at kasabay ng pagkakaaresto sa suspek. (Christian Ryan Sta. Ana)