Base sa ulat ni Neri Ocampo, hepe ng Office of Civil Defense (OCD), ang higanteng alon ay bahagi ng nagdaang bagyong Caloy at namumuong tropical depression sa mga nabanggit na bayan.
Kabilang sa naapektuhan ay 2,765-katao mula sa 11 munisipalidad sa Ilocos Sur.
Apektado rin ang mga barangay ng Sabangan, Gabao at San Roque, sa bayan ng Santiago; mga Barangay Darapidap, Tamurong, Paypayad at Catirman sa Candon City, Ilocos Sur.
Sa La Union, aabot sa 1,000-katao naman ang napilitang lumikas sa pangambang may nagbabadyang tsunami ang nasabing mga giant waves.
Naitala kabuuang 1, 925-katao ang nagsilikas sa bayan ng Pasuquin at 50 pamilya naman sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Samantala, 10 bahay naman ang winasak sa Barangay Botolan, Zambales, bagamat wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na insidente. (Joy Cantos)