^

Probinsiya

Mag-ama tinodas ng pulis

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Maagang kinalawit ni kamatayan ang mag-ama matapos na pagbabarilin ng isang tauhan ng pulisya at kaibigan nito na nakaalitan ng mga biktima sa Purok 1, Barangay Buhangin, Butuan City, Agusan del Norte, kamakalawa.

Tadtad ng tama ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang katawan nina Orlando Benigildo at anak nitong si Richard Benigildo.

Arestado naman ang mga suspek na sina PO2 Allan Pastera, nakatalaga sa Las Nieves Municipal Police Station (MPS) ng Agusan del Norte Provincial Police Office (PPO) at sibilyang si Giobani Bustillo, alyas Jojo, 22.

Base sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 13, naitala ang krimen bandang alas-6:30 ng gabi matapos na makasalubong ng mag-ama ang mga suspek sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang may matinding galit ang mga suspek sa mag-ama kaya hindi na binigyan pa ng pagkakataong makalaban at pinaputukan ng baril.

Hindi naman nakalayo ang mga suspek at naaresto ng mga rumespondeng pulisya mula sa Butuan City at Central Police Precinct.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang isang M16 assault rifle, isang kulay itim na bandolier na may pitong magazine ng baril at kulay pulang Honda XRM motorcycle na may plakang KP1551.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek habang naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya sa Butuan City.

vuukle comment

AGUSAN

ALLAN PASTERA

BARANGAY BUHANGIN

BUTUAN CITY

CENTRAL POLICE PRECINCT

GIOBANI BUSTILLO

LAS NIEVES MUNICIPAL POLICE STATION

NORTE PROVINCIAL POLICE OFFICE

ORLANDO BENIGILDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with