^

Probinsiya

Mga holdaper ng bus, muling umatake

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Muling umatake ang notoryus na mga holdaper matapos na holdapin ang isang pampasaherong bus na bumabagtas sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) na sakop ng Barangay Tulo, Cabuyao, Laguna kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Prospero Noble Jr., Region 4 police director, dakong alas-6:05 ng umaga nang umatake ang mga holdaper laban sa isang HM Transport Bus na may plakang TVS- 529 at may body number A-65.

Ayon sa bus driver na si Eric Sultan, sumakay ang mga suspek sa bus stop ng Calamba City at nagkunwaring mga pasahero na umupong magkakahiwalay sa loob ng bus.

Nang makapasok na sa SLEX ang bus, kaagad bumunot ng baril at granada ang mga suspek at nagdeklara ng hold-up.

Nilimas ang mahahalagang gamit ng 45 pasahero kabilang na ang P5,000.00 kinita ng bus.

Pagsapit sa bahagi ng Magallanes sa Makati City, nagawa pang sumakay ang bus inspector na si Normel de Castro, na napasama rin sa nasabing holdap at natangay pati ang kanyang relo, cell phone, at pitaka.

Matapos ang paghoholdap, mabilis na bumaba ang mga suspek sa panulukan ng Edsa sa Buendia Avenue sa Makati City at tumakas patungo sa hindi pa mabatid na direksyon. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY TULO

BUENDIA AVENUE

BUS

CALAMBA CITY

CHIEF SUPT

ERIC SULTAN

MAKATI CITY

PROSPERO NOBLE JR.

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with