^

Probinsiya

Fixer ng LTO itinumba

-
BATANGAS CITY – Isang 23-anyos na lalaki na pinaniniwalaang fixer sa sangay ng Land Transportation Office (LTO) sa nabanggit na lungsod ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang armadong kalalakihan habang papunta sa kanyang trabaho kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Nilo Anzo, Batangas City PNP chief, ang biktimang si Rommel Jayson Tolentino, alyas "Joel" ng Social Welfare Administration Site sa Barangay Kumintang Ibaba, Batangas City, Batangas.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:30 ng umaga habang naglalakad papuntang LTO ang biktima nang harangin ng dalawang armadong lalaki at isagawa ang pamamaslang pagsapit sa tapat ng DSWD building ilang metro ang layo sa compound ng LTO-Batangas branch.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang dalawa sakay ng isang motorsiklong nakaparada ilang dipa lang ang layo sa crime scene.

Naitakbo pa ng mga bystander si Tolentino sa Batangas Regional Hospital, subalit ideneklarang patay dahil sa apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Danny Magtibay, hepe ng investigation office ng Batangas City PNP, malaki ang posibilidad na may naargabyadong kliyente sa LTO ang biktima kaya ito ginantihan at pinatay. Ayon naman sa ama ng biktima, sinisilip din nila ang anggulong alitan sa pagitan ng kanyang anak at isang ka-barangay na naganap pa noong 2003.

AYON

BARANGAY KUMINTANG IBABA

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

DANNY MAGTIBAY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NILO ANZO

ROMMEL JAYSON TOLENTINO

SOCIAL WELFARE ADMINISTRATION SITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with