^

Probinsiya

8 kawani ng DPWH timbog sa pagnanakaw

-
IBA, Zambales – Walong kalalakihan na pinaniniwalaang kawani ng Department of Works and Highways (DPWH) ang dinakip ng mga tauhan ni Zambales Gov. Vicente Magsaysay makaraang maaktuhang nagbebenta ng bakal na pag-aari ng gobyerno sa isang junkshop sa bayan ng Iba, Zambales kamakalawa ng hapon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jose Cayabyab, Leonardo Penalosa, Santos Salazar, Maximo Padrigo, Rolly dela Cruz, Jorge Salazar, Remier dela Cruz at Michael Daylo na pawang kawani ng DPWH na nakabase sa bayan ng Iba, Zambales.

Ayon sa imbestigador ng pulisya na pinangunahan ni SPO1 Ramon Supe, namataan ni Gov. Magsaysay, ang mga suspek na sakay ng dump truck na pag-aari ng DPWH, at pagsapit sa isang junkshop ay ibinababa ang mga bakal.

Kaagad namang pinapapuntahan ni Magsaysay sa kanyang mga alalay na sina PO3 Jephonneh Batal, PO2 Raul Corpuz, at Allan Gutierrez, para usisain, subalit nagsipulasan ang mga suspek nang makilala ang mga pulis hanggang masakote at iniharap sa nabanggit na Gobernador.

Inamin ng may-ari ng junkshop na ibinebenta sa kanya ang mga bakal partikular na ang steel railing ng tulay, ayon sa pulisya. (Fred Lovino)

vuukle comment

ALLAN GUTIERREZ

CRUZ

DEPARTMENT OF WORKS AND HIGHWAYS

FRED LOVINO

JEPHONNEH BATAL

JORGE SALAZAR

JOSE CAYABYAB

LEONARDO PENALOSA

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with