Kinilala ng "Task Force USIG" na pinamumunuan ni Deputy Director General Avelino Razon Jr., ang biktima na si Jose Doton, 70, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan sa nabanggit na lalawigan.
Kasalukuyan namang nakikipaglaban kay kamatayan ang kapatid nitong si Diosdado Doton matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat na tinanggap ni Razon, ang mag-utol ay tinambangan sa bahaging sakop ng nabanggit na barangay dakong alas-10:45 ng umaga, kahapon.
Ang pagpatay kay Doton ay ikaapat sa hanay ng militanteng grupo sa loob lamang ng sanlinggo matapos na paslangin ang coordinator ng grupong Bayan Muna na si Manuel Nardo sa San Fernando City, Pampanga may tatlong araw pa lamang ang nakalilipas.
Napag-alamang karamihan sa mga pinaslang ay mga kaalyado ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na nakapagtala ng 93-biktima sa mga miyembro at opisyal nito; pangalawa ang Anakpawis na aabot sa 23 at Gabriela na may bilang na apat simula noong 2001.
Sa kabuuang 125-kaso ng mga pinaslang na lider ng militanteng grupo ay aabot sa 18 pa lamang ang nasasampahan ng kaso habang 85 porsiyento ang patuloy na isinasailaim sa imbestigasyon.