^

Probinsiya

Kaalyado ni Rep. Satur Ocampo, itinumba

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Isa na namang lider ng militanteng grupo ang iniulat na pinaslang habang nasa kritikal na kalagayan ang kapatid nito makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Cabuloan, San Nicolas, Pangasinan kahapon ng umaga.

Kinilala ng "Task Force USIG" na pinamumunuan ni Deputy Director General Avelino Razon Jr., ang biktima na si Jose Doton, 70, Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan sa nabanggit na lalawigan.

Kasalukuyan namang nakikipaglaban kay kamatayan ang kapatid nitong si Diosdado Doton matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat na tinanggap ni Razon, ang mag-utol ay tinambangan sa bahaging sakop ng nabanggit na barangay dakong alas-10:45 ng umaga, kahapon.

Ang pagpatay kay Doton ay ikaapat sa hanay ng militanteng grupo sa loob lamang ng sanlinggo matapos na paslangin ang coordinator ng grupong Bayan Muna na si Manuel Nardo sa San Fernando City, Pampanga may tatlong araw pa lamang ang nakalilipas.

Napag-alamang karamihan sa mga pinaslang ay mga kaalyado ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na nakapagtala ng 93-biktima sa mga miyembro at opisyal nito; pangalawa ang Anakpawis na aabot sa 23 at Gabriela na may bilang na apat simula noong 2001.

Sa kabuuang 125-kaso ng mga pinaslang na lider ng militanteng grupo ay aabot sa 18 pa lamang ang nasasampahan ng kaso habang 85 porsiyento ang patuloy na isinasailaim sa imbestigasyon.

vuukle comment

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BARANGAY CABULOAN

BAYAN MUNA

BAYAN MUNA REP

DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

DIOSDADO DOTON

JOSE DOTON

MANUEL NARDO

SAN FERNANDO CITY

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with