^

Probinsiya

Empleyado itinumba

-
IMUS, Cavite – Binaril at napatay ng mga ‘di kilalang armadong lalaki sakay ng isang motorsiklo ang isang empleyado sa CBI factory habang papauwi sa kanilang bahay kamakalawa sa bayang ito.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Our Lady of the Pillars Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala mula sa cal.45 pistola sa likod at sa leeg ang biktimang si Ernesto Pamplona Camaclang, 31, empleyado ng Chan Brothers Inc. (CBI) at nakatira sa #590 Anabu 1-B Imus.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek sakay ng get-away motorcycle na walang plaka.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Randy A.Dela Rea, may hawak ng kaso bandang alas-6:45 ng hapon habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang lapitan ng dalawang suspek at ilang beses pinaputukan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Bago ang pagpatay, noong Mayo 10, 2006 ay isang ‘di kilalang lalaki ang ginulpi ng mga kabarkada ng biktima sa isang bilyaran sa nasabing lugar. Posibleng paghihiganti ang motibo ng pamamaslang kung saan nadamay lamang ang biktima. (Lolit Yamsuan/Cristina Go Timbang)

vuukle comment

ANABU

B IMUS

BATAY

CHAN BROTHERS INC

CRISTINA GO TIMBANG

DELA REA

ERNESTO PAMPLONA CAMACLANG

LOLIT YAMSUAN

OUR LADY OF THE PILLARS HOSPITAL

RANDY A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with