Natagpuan naman nakabitin ang ina na si Norma, 44, ng mga residente ng nabanggit na barangay may 15 hanggang 20 kilometro ang layo sa town proper ng naturang bayan.
Batay sa report ng pulis-CALABARZON, halos panawan ng ulirat ang ama ng mga bata na si Godofredo Lavado, 60, isang magsasaka nang madiskubre ang sinapit ng kaniyang mga anak sa kamay ng sariling asawa.
Napag-alamang umuwi ang ama ng mga biktima galing sa kanilang bukirin upang magmeryenda ay nadiskubre ang krimen at nakita pa nitong buhay ang kaniyang misis na nakatulala sa isang sulok at hindi makausap.
Patakbong humingi ng tulong si Godofredo sa kanilang mga kapitbahay, subalit pagbalik nito ay nakita niyang nakabitin ang kaniyang misis na pinaniniwalaang nakonsiyensya sa ginawang krimen.
Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay, nakarinig na lamang sila ng mga panaghoy at iyakan ng mga batang nagmamakaawa bandang alas-7 ng umaga. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang kaso.