^

Probinsiya

30 nasagip sa bahay-aliwan

-
DAET, Camarines Norte – Aabot sa tatlumpong kababaihan kabilang na ang apat na menor-de-edad ang nailigtas ng mga awtoridad makaraang salakayin ang tatlong bahay-aliwan sa magkahiwalay na lugar sa bayang nabanggit, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Alex Maraan, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang apat na dalagita ay mula pa sa Bagong Silang, Caloocan City at bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Sa ulat ni P/ Insp. Edgar Callada ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kabilang sa sinalakay ay ang 3 Kids videoke bar na pag-aari ni Major Bartolome Regocera ng Phil. Army na matatagpuan sa Central Plaza Complex, Barangay Lag-on; Honeybee videoke bar na pag-aari ni Victoria Imperial at ang Bigbees videoke bar na kapwa nasa Vinzons Avenue, Daet.

Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang nasabing opisyal ng Phil. Army partikular na ang manager ng nabanggit na bar na si Amelia Suyat at Charlote De Guzman.

Napag-alamang lumolobo ang bilang ng kababaihang namamasukan sa mga videoke bar sa bayan ng Daet, Jose Panganiban at Paracale sa Camarines Norte. (Francis Elevado)

vuukle comment

ALEX MARAAN

AMELIA SUYAT

BAGONG SILANG

BARANGAY LAG

CALOOCAN CITY

CAMARINES NORTE

CENTRAL PLAZA COMPLEX

CHARLOTE DE GUZMAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with