^

Probinsiya

Biyenan pinugutan ng Arabong manugang

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 65-anyos na biyenang babae sa kamay ng adik na Arabong manugang makaraang pugutan habang naliligo sa banyo noong Sabado ng hapon sa Purok 6, Calamba City.

Kinilala ni P/Supt. Roland Bustos, Calamba police chief, ang suspek na si Cyad Bander Zisdullat, 35, tubong Riyadh, Saudi Arabia at pansamantalang nanirahan sa bahay ng kanyang ka-live-in partner sa nabanggit na lugar na sakop ng Camp Vicente Lim.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:45 ng hapon, pinasok ng suspek ang biyenan nitong si Pacencia Ariaso habang naliligo sa banyo ng kanilang bahay at doon ginilitan ng leeg gamit ang kutsilyong may habang 12-pulgada.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Filipina Manaig, namataan ng mga residente ang suspek na umiinom ng alak at humihitit ng droga bago atakihin ang matandang Ariaso.

Napag-alamang tinangka pang tumakas ng suspek papalabas ng South Luzon Expressway, subalit agad namang nasakote ng mga tauhan ng Police Regional Mobile Group.

Sa panayam ng PSN kay Manaig, posibleng nawala sa katinuan ang suspek dahil sa paggamit ng droga at matinding pangungulila sa kanyang ka-live-in partner na si Virginia Ariaso.

Naging may-ari ng recruitment agency si Zisdullat na nagpapadala ng Overseas Filipino worker sa Gitnang Silangan hanggang sa malugi ito at umasa na lang sa minana nitong pera sa kanyang mga magulang.

Ayon kay Manaig, napilitang maghanap ng trabaho sa Maynila si Virginia na naging ugat para maging lulong sa droga ang asawang Arabo.

Pormal ng sinampahan ng kasong murder ang Arabo sa Calamba Prosecutors Office habang naghihimas ng malamig na rehas sa himpilan ng pulisya sa Calamba City. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

vuukle comment

ARABO

ARNELL OZAETA

AYON

CALAMBA CITY

CALAMBA PROSECUTORS OFFICE

CAMP VICENTE LIM

CYAD BANDER ZISDULLAT

ED AMOROSO

FILIPINA MANAIG

GITNANG SILANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with