^

Probinsiya

2 pangalan ng preso napasama sa Bulacan shootout

-
CAMP CRAME – Hindi kabilang sa apat karnaper na napaslang sa madugong shootout, ang dalawang pangalang natukoy na kasapi ng notoryus na Abuyog kidnapping for ransom (KFR) sa Barangay Sto. Tomas, Sta. Maria, Bulacan noong Miyerkules, Mayo 3.

Ito ang nabatid ng PSN matapos aminin ng ilang opisyal ng PNP-Traffic Management Group (TMG) na miscommunication lamang sa mga operating troops ang pagkakasama sa ipinalabas na palpak na official report ng mga pangalan ng dalawa sa apat na napaslang na carjackers.

Nabatid na ang dalawa na kinilalang sina Raymond Castino Bongabong at Roberto Jenoviadon Pepito, base na rin sa kumpirmasyon ng nagreklamong si Senior Supt. Hernan Grande ng Parañaque City Jail ay kasalukuyang nakakulong sa nasabing piitan na kaniyang isinusuperbisa.

Si Grande ay lumiham sa PSN at ipinabatid na ang dalawang nabanggit na napaslang sa shootout ay buhay pa at nakatakda iharap sa paglilitis ng Regional Trial Court (RTC) Branch 195 ng Parañaque City Hall sa Hunyo 5, 2006, na may kaugnayan sa kasong murder at qualified carnapping.

Sa rekord ng pulisya, noong Mayo 3, ilang oras matapos ang shootout, iniulat ng mga opisyal ng PNP-TMG ang pagkakapatay sa mga suspek na sina Chris Orsal, lider ng grupo; Quimbo Quige, Rolando Patalla at Ony Fernando na pawang residente ng Laguna.

Gayon pa man, pasado alas-3 ng hapon ay nagpalabas ng official report na ipinadala ng PNP-TMG sa mga mamamahayag na tinukoy naman na ang mga napatay na karnaper ay sina Roberto Jenoviadon Pepito na siya namang itinurong lider ng grupo; Raymond Castino Bongabong na kapwa residente ng Las Piñas City; Estiven Liwanag at Chris Orsal, alyas Dodong Lumakas, kapwa ng Tondo, Manila at pawang nasa order of battle ng PNP-TMG at Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) kaugnay ng pagkakasangkot ng grupo sa serye ang carnapping sa Metro Manila.

Dahil dito ay lumilitaw na ang mga napaslang ay kinabibilangan nina Orsal, na siyang tunay na lider ng grupo na tinukoy ng operating troops at hindi si Pepito na binanggit naman sa palpak na official report ng mga tauhan nitong sina Quige, Patalla at Fernando. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY STO

CHRIS ORSAL

CITY HALL

CITY JAIL

DODONG LUMAKAS

ESTIVEN LIWANAG

HERNAN GRANDE

RAYMOND CASTINO BONGABONG

ROBERTO JENOVIADON PEPITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with