2 itinumba ng vigilante

CAMP CRAME – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang may rekord na pagnanakaw ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng grupong vigilante sa bahagi ng Cebu City, kamakalawa. Sa naantalang ulat na naiparating sa Camp Crame, nakilala ang mga pinaslang na sina Richard Lopez, 17; at Vincent Amancio, 20.

Sinasabing ang mga biktima ay nakaupo lamang sa may tabi ng kalsada habang nag-uusap nang bigla na lamang lumapit ang dalawang maskaradong lalaking sakay ng motorsiklo at agad na niratrat ang dalawa.

Ayon sa nakasaksi sa krimen, nagtakda pang tumakbo si Lopez, subalit sinundan rito ng isa at pinagbabaril sa ulo hanggang sa duguang bumulagta. Narekober sa crime scene ang sampung basyo ng baril. (Angie dela Cruz)

Show comments