4 carjackers utas sa TMG
May 4, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Duguang bumulagta ang apat na armadong carjackers sa naganap na madugong shootout sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan makaraan ang mahabang pakikipaghabulan sa mga elemento ng Traffic Management Group na nagsimula sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa napatay ay nakilalang sina Roberto Pepito, alyas Rolando Batalla; Raymond Bongabong, alyas Ronnie Fernando, kapwa residente ng Las Piñas City; Estiven Liwanag, alyas Jimbo Guigue at Cris Ursal, alyas Dodong Lumakas, lider ng Abuyog Gang na sangkot sa serye ang carjacking at robbery/holdup sa Metro Manila at karatig pook.
Napag-alaman na ang suspek ay sangkot sa kidnap slay ng Coca-Cola executive na si Betty Chua Sy noong Nobyembre 17, 2004 at pangunahing suspek sa pagpatay kay Richard Capili, isang nursing student at pamangkin ni Biliran Gov. Gerry Espina.
Si Capili ay pinaslang ng mga suspek sa harapan ng Landco Center Mall sa Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City kung saan tinangay ang Toyota Revo nito na may plakang WRY-883 noong Pebrero 2006.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, namataan ng mga elemento ng Traffic Management Group (TMG) ang mga suspek sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City habang sakay ng isang kotseng kulay pulang Toyota Corolla na may plakang WPY 668.
Nang maramdaman ng mga suspek na sila ay namataan ng pulisya, agad silang sumibad patungong Lagro Avenue sa silangang bahagi ng Quezon City at lumusot sa bahagi San Jose del Monte City sa Bulacan.
Hindi sila tinigilan ng mga tauhan ng TMG hanggang sa abutan sila sa Sitio Sto Tomas, Barangay Bagbaguin, Sta. Maria bandang alas-3:30 ng madaling-araw at nagkaputukan kung saan napatay ang apat.
Nakarekober ang pulisya ng dalawang M16 rifle, dalawang calibre 38 rebolber at ang sasakyan ng mga suspek. (Dino Balabo at Joy Cantos at dagdag ulat ni Nene Bundoc Ocampo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended