Jailbreak: 12 preso pumuga
May 3, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Aabot sa labindalawang preso na pinaniniwalaang may matitinding kasong kriminal ang nakapuga sa magkahiwalay na jailbreak sa Sorsogon at Jolo kahapon ng madaling-araw.
Isa sa anim na pugante mula sa Jolo Municipal Jail ay nakilalang si Tommy Jamadul na may kasong murder at frustrated murder, samantala, ang mga preso na nakatakas mula sa Sorsogon Municipal Jail ay sina Mike Arena, Alimudin "Daminano" Balubao, Noel Daniega, Richard Baylon, Christopher Llarena, at Rannie Halum.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Regondola, Sorsogon provincial director, nakapuga ang anim na preso matapos na lagariin ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng selda.
Bandang ala-una ng madaling-araw nang mapansin ng mga tauhan ni Jail Warden ret, P/Senior Insp. Isauro Pura na walang preso sa naturang selda kaya agad na inalerto ang mga guwardiya.
Samantala, naitala ang jailbreak sa Jolo Municipal Jail ganap na alas-4 ng madaling-araw matapos matiyempuhang natutulog ang mga guwardiya.
Patuloy na sinisiyasat ng mga awtoridad ang dalawang insidente ng jailbreak kung pinatakas ang mga preso.
Posibleng masibak sa puwesto ang mga opisyal at tauhan ng dalawang municipal jail na kinaganapan ng jailbreak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
10 hours ago
Recommended