Agad na kinalawit ni kamatayan ang biktimang si Sandra Matis habang hindi na umabot ng buhay sa Baguio City General Hospital ang ama nitong si SPO1 Nestor Matis.
Kasalukuyang ginagamot sa nabanggit na ospital ang siyam pang nasugatang biktima.
Sa ulat, bandang alauna y medya ng madaling-araw nang mawalan ng kontrol sa manibela ng dyipni (AYF803) patungong Baguio City ang drayber na si Marcial Bayeng kaya aksidenteng bumulusok sa banging sakop ng Sitio Prayket, Dalupirip, Ilagan Benguet.
Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang naganap na insidente. (Joy Cantos)