Mag-ama dedo sa bangin
May 2, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Malagim na kamatayan ang sinapit isang pulis at anak nitong 2-anyos na babae habang siyam pa ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong jeepney sa bahagi ng Ilagan, Benguet, ayon sa ulat kahapon.
Agad na kinalawit ni kamatayan ang biktimang si Sandra Matis habang hindi na umabot ng buhay sa Baguio City General Hospital ang ama nitong si SPO1 Nestor Matis.
Kasalukuyang ginagamot sa nabanggit na ospital ang siyam pang nasugatang biktima.
Sa ulat, bandang alauna y medya ng madaling-araw nang mawalan ng kontrol sa manibela ng dyipni (AYF803) patungong Baguio City ang drayber na si Marcial Bayeng kaya aksidenteng bumulusok sa banging sakop ng Sitio Prayket, Dalupirip, Ilagan Benguet.
Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang naganap na insidente. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest