^

Probinsiya

Smut movies nasamsam ng CIDG-CAR

-
BAGUIO CITY – Sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera ang ilang Muslim vendors ng mga bold DVDs at VCDs sa magkakahiwalay na lugar sa siyudad na ito.

Nagulantang ang pinuntiryang Muslim vendors sa mga sidewalk na nagbebenta ng malalaswang panoorin na nagkaroon nang habulan, subalit nakatakas ang mga ito at naiwan ang kanilang mga paninda, dakong alas-7:30 ng gabi noong Sabado sa may Magsaysay Avenue at Session Road, sa pangunguna ni Supt. Danilo Acosta.

Nakumpiska ng mga raiding operatives ang may 243 pirasong mga bold movies ng DVDs at VCDs, na pawang naka-display sa bangketa. Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng Oplan Magdalena at kabilang sa Action Plan Subcommittees on Crimes against Morals ng CIDG.

Ayon kay Senior Supt. Marvin Bolabola, regional director ng CIDG, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga concerned citizens, ukol sa walang pakundangang pagbebenta ng mga bold movies sa bangketa ng ilang Muslim vendors. (Artemio A. Dumlao)

vuukle comment

ACTION PLAN SUBCOMMITTEES

ARTEMIO A

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-CORDILLERA

DANILO ACOSTA

MAGSAYSAY AVENUE

MARVIN BOLABOLA

OPLAN MAGDALENA

SENIOR SUPT

SESSION ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with