Kasama sa iimbestigahan ang ilang kumpanyang may kinalaman sa pag-import ng mga tone-toneladang ukay-ukay na pinaniniwalaang ginagamit ang Subic Bay Freeport bilang smuggling point ng imported used-clothing.
Ipinag-utos naman ni Customs Police District (CPD) commander Capt. Ramon Policarpio na lalo pang higpitan ang seguridad sa lahat ng gates sa Freeport Zone at implementahan ang istriktong pagsusuri sa lahat ng kargamentong inilalabas.
Napag-alamang may mga tiwaling opisyal ng intelligence and enforcement group (IEG) at enforcement and security service (ESS) na nagbabantay sa mga entry at exit gates ng Subic Bay Freeport ang sangkot sa smuggling ng ukay ukay.
Ang direktiba ni Caringal ay may kaugnayan sa pagkakasabat ng isang cargo truck na naglalaman ng may 175-bales ng ukay-ukay sa bahagi ng San Fernando City, Pampanga ilang oras matapos itong ipuslit palabas ng Freeport.
Lumitaw na ang pagkakabawi sa naipuslit na bultu-bultong ukay-ukay ay hindi kayang pigilin ng mga tauhan ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF) sa pamumuno ni (ret.) Lt. Gen. Jose Calimlim. (Jeff Tombado)