^

Probinsiya

6 dedo sa road mishap

-
BATAAN – Anim-katao ang kumpirmadong patay kabilang ang tatlong bata, samantalang tatlo iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahagip ng delivery truck sa kahabaan ng Roman Highway sa Barangay Alangan, Limay, Bataan kahapon ng umaga. Kabilang sa mga namatay ay sina Mario Inzon, truck driver; Marites Ingo, 24; mga anak nitong sina Quinie, 2; Aquin Ingo, 1; pamangking si Baby Grace Ingo at isa pang batang babae na pinaniniwalaang anak ni Inzon na hindi nakilala sanhi ng grabeng pagkasunog. Samantalang nasa Bataan General Hospital ang tatlo pang biktima na ngayon ay nakikipaglaban kay kamatayan. Ayon kay P/Supt. Ernesto Flores, police chief sa Limay, nawalan ng kontrol ang truck (PMF 890) na minamaneho ni Inzon kaya nahagip ang mag-iina habang naglalakd sa gilid ng kalsada. Namatay din ang drayber at anak nito matapos na sumalpok ang truck sa isang bahay. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

AQUIN INGO

BABY GRACE INGO

BARANGAY ALANGAN

BATAAN GENERAL HOSPITAL

ERNESTO FLORES

INZON

JONIE CAPALARAN

LIMAY

MARIO INZON

MARITES INGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with