Kabesa nilikda ng RPA-ABB

CAMP CRAME – Naging mitsa ng kamatayan ng isang 58-anyos na barangay chairman ang ginawang panggugulpi nito sa dalawang sibilyan makaraang pagbabarilin ng isang miyembro ng Revolutionary Proletariat Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) sa bahagi ng Sibalom, Antique, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Enrico Celestial ng Barangay Lagdo. Pinaghahanap naman ang suspek na si Rodrigo Pacheco, alyas Ka Digoy/ Rene. Lumilitaw sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak ang biktima habang inaawat nito ang nagkakainitang sina Sonny Jantoc at Danilo Jantoc.

Sa inis ng biktima ay sinapak sa nguso si Sonny at isinunod na gulpihin si Danilo kung saan tinangkang awatin ng hepe ng barangay tanod na si Romeo Rubino, pero pinagsusuntok rin ito ng una hanggang sa pagbabarilin ng suspek na nakatayo sa nabanggit na barangay. (Joy Cantos)

Show comments