Mag-syota hinoldap, 1 patay
April 23, 2006 | 12:00am
ANGONO, Rizal Binaril at napatay ang isang 26-anyos na lalaki, habang sugatan naman ang kasintahan nito makaraang manlaban sa dalawang holdaper sa Brgy. San Isidro ng bayang ito kahapon ng madaling-araw. Isang tama ng sumpak ang tumapos sa buhay ni Ryan Guntalib ng Taguig City, habang ginagamot naman si Lizel Oblises, 26 na pinalo ng tubo sa ulo. Ayon kay PO3 Richard Ganalon, bandang alas-2 ng madaling-araw habang nagpapahinga ang mag-syota sa Hillsdale Subd. nang lapitan ng dalawang holdaper. Nanlaban si Guntalib kaya siya binaril habang nagsisigaw naman si Lizel kaya pinalo ng tubo. (Edwin Balasa)
STO TOMAS, Batangas Isang 43-anyos na kawani ng Department of Trade and Industry sa Cavite ang iniulat na binaril at napatay ng mga magnanakaw sa loob ng sariling bahay sa Brgy. Sta. Anastacia sa bayang nabanggit noong Huwebes ng gabi. Sa naantalang ulat ni P/Supt. Flaviano Garcia, hepe ng pulisya, kinilala ang biktimang si Jessie Luistro ng Mt. Claire Subdivision. Ayon sa ulat, pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng biktima saka tinangay ang hindi nabatid na halaga, subalit nanlaban si Luistro kaya siya binaril at napatay. (Arnell Ozaeta)
CAVITE Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 32-anyos na kawani ng Cavite Provincial Capitol makaraang mabundol ng trak ang sinasakyang owner-type jeep sa Governors Drive sa Brgy. Manggahan, Gen. Trias, Cavite, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni PO2 Edgardo Gallardo, ang biktimang si Eduard Pecilda ng Brgy. Mabolo, Bacoor, Cavite at nakatalaga sa GSO. Sumuko sa pulisya ang drayber ng trak (DRF499) na si Johnel Alba, 30, ng Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas, Cavite. Nakaligtas naman ang drayber ng dyip (SFZ 643) na si Norman Ramilo ng Brgy. Malagasang 1, Imus, Cavite. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
22 hours ago
Recommended