23 pulis kinasuhan

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang isa na naman kaso ng mistaken identity kaya kinasuhan ang 23-pulis makaraang mabaril ang isang 17-anyos na Fil-Am na estudyante na inakalang holdaper noong Abril 4 sa Sitio Mati, Barangay Canaway, Malilipot, Albay.

Kabilang sa kinasuhan ng frustrated homicide ay sina P/Supt. Renato Bataller, chief police ng Tabaco City; P/Senior Insp. Fernando Bolanga, SPO4 Bonito Bongalos, SPO3 Benigno Dilla, PO3 Dennis Biron, PO2 Edgar Valin, PO2 Luis Loquias, PO2 Roy Alden Torre, PO1 Abelardo Boringot Jr., PO1 Ruel Lubiano, PO1 Antonio Buella, PO1 Macneil Manamtan, PO1 Christopher Bendan, PO1 Reynaldo Borromeo Jr., PO1 , Editho Reymundo Torre, PO1 Aniceto Gerardo Colarina, PO1 Edwin Briagas, at lima pang pulis na hindi nabatid ang mga pangalan.

Napag-alamang inakala ng mga pulis na ang biktimang si Albert Mckenzie, 17, isang hayskul student ay ang tinutugis na si Romeo Solano na sakay din ng motorsiklo.

Nabatid na ang biktimang naka-helmet ay sakay ng motorsiklo nang harangin at ratratin ng mga pulis na inakalang si Solano ang tinedyer na ngayon ay nakikipaglaban kay kamatayan.

Kasong frustrated homicide ang isinampa ng pamilya ng biktima sa Albay Provincial Prosecutors Office sa Legazpi City na may I .S. No. 2006 - 193 noong April 20 laban sa mga suspek na pulis at robbery hold up sa lungsod ng Tabaco at Legazpi. (Ed Casulla)

Show comments