^

Probinsiya

Mag-utol dinedo ng 3 mag-uutol

-
NUEVA ECIJA Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong mag-uutol ang kalabang mag-utol na lalaki na ikinasugat ng malubha ng isa pa sa naganap na karahasan sa Barangay Bakod Bayan, Cabanatuan City noong Miyerkules ng gabi.

Idineklarang patay sa Good Samaritan Hospital ang magkapatid na Nelson Espino y Aspiras, 48; at Eduardo, 32, isang kawani ng gobyerno, habang ang kanilang utol na si Napoleon, 41, ay patuloy na ginagamot sa nasabing ospital.

Tugis ng pulisya ang mga suspek na sina June Cabatbat y Ebudane, at ang dalawa pa nitong utol na nakilala lamang Ronnie at Sonny, na kasalukuyang kinasuhan ng double murder at frustrated murder.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi habang nag-iinuman ng alak ang magkakapatid na Espino sa harap ng kanilang bahay nang biglang dumating ang mga suspek, sakay ng owner-type jeep, at walang anu-ano’y pinaputukan ng shotgun ang mga biktima.

Posibleng personal na alitan ng magkalabang pamilya ang isa sa motibo ng krimen. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ASPIRAS

BARANGAY BAKOD BAYAN

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

EBUDANE

EDUARDO

GOOD SAMARITAN HOSPITAL

IDINEKLARANG

JUNE CABATBAT

NELSON ESPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with