Sanggol nilapnos ng ina
April 22, 2006 | 12:00am
MERCEDES, Camarines Norte Lapnos ang likurang bahagi ng 7-buwang gulang na sanggol na babae makaraang buhusan ng kumukulong noodles soup ng sariling ina na nairita sa pag-iyak ng biktima sa naganap na insidente kamakalawa ng umaga sa Barangay Manguisoc sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Nagtamo ng 2nd degree burned ang biktima na ngayon ay ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital matapos isugod ng mga kapitbahay.
Ayon kay Salvacion Umali, opisyal ng Purok 4 Manggahan, bandang alas-6:00 ng umaga, abala sa pagluluto ng almusal ang suspek na kinilalang si Menchie Fabricante, 32, habang ang asawa nito ay pumalaot upang mangisda.
Napag-alamang nag-iiyak ang sanggol na pinaniniwalaang gutom kaya nagalit ang suspek na ina at galit na inapakan ang likurang bahagi ng biktima.
Nabatid na habang nakatalikod ang sanggol ay binuhusan ng kumukulong noddles soup ng suspek, subalit sumaklolo ang ilang kapitbahay kaya naagapan ang hindi inaasahang pagkakataon, habang nakatulala naman ang isa pang anak na limang taong gulang.
Pinaniniwalaang sinumpong sa kapansanan sa pag-iisip ang suspek kaya nagawa ang insidente.
Kasalukuyang pinag-aralan ng mga opisyal ng barangay ang pagdadalhan sa suspek. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended