Retiradong US Navy itinumba
April 21, 2006 | 12:00am
CAVITE Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 43-anyos na retiradong US Navy ng hindi kilalang lalaki na ikinasugat din ng kanyang kasama sa naganap na karahasan sa harap ng Tanza Family Hospital sa kahabaan ng Soriano Highway sa Barangay Daang Amaya 2, Tanza, Cavite, kamakalawa ng gabi.Napuruhan sa ulo ang biktimang si Lawrence Risken ng Vobora Street, General Trias habang sugatan naman si Fermin Torres, 29, ng Barangay Pinagtipunan. Ayon kay PO2 Neil Morano, ang dalawa ay nakaupo sa loob ng owner-type jeep (DLY 963) na nakaparada nang lapitan ng suspek at isagawa ang krimen. (Cristina Timbang)
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang 21-anyos na binata ang niratrat hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan at ikinasugat ng tatlong kabataan habang ang mga biktima ay naghahapunan sa loob ng bahay sa Sitio Maytagas, Barangay Kinale, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Eduardo Garcia ng Sitio Songod , Barangay Kamuning, samantala, ang mga sugatan na ginagamot sa Bicol Medical Center ay sina Jomar Llagas, 15; Marites Llagas, 21; at Cresenciana Llagas, 17. Ayon sa pulisya, si Garcia ay kaibigan ng isa sa pamilya Llagas at bumisita lamang sa naturang lugar. Hindi naman kaagad nabatid ang motibo ng krimen. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended