^

Probinsiya

Habambuhay sa 2 obrero

-
BALER, Aurora – Dalawang obrero ang hinatulan ng lokal na korte na mabilanggo nang habambuhay matapos na mapatunayan sa kasong rape laban sa isang 19-anyos na dalaga noong Setyembre 3, 2004 sa Barangay Sabang, Baler, Aurora.

Sa 23-pahinang desisyon na nilagdaan ni Judge Armando Yanga ng Baler Regional Trial Court, Branch 66, napatunayan ng korte na guilty beyond reasonable doubt ang magkaibigang akusado na sina Mario Magno, 28; at Antonio Velano, 20, kapwa naninirahan sa Barangay Suklayin, Baler.

Inatasan din ng korte na bayaran ng mga akusado ang biktima ng halagang P.1 milyon bilang danyos perwisyo.

Base sa rekord ng korte, hinarang ng mga akusado ang biktima habang naglalakad kasama ang nobyo.

Dahil sa may hawak na patalim at baril ang dalawa ay nagawa ang maitim na balak laban sa dalaga habang itinali ang nobyo may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.

Binalewala ng korte ang mga alibi ng dalawang akusado, bagkus ay binigyan timbang ang testimonya ng biktima partikular na ang mga isinumiteng ebidensya laban sa mga akusado. (Christian Ryan Sta. Ana)

ANTONIO VELANO

BALER REGIONAL TRIAL COURT

BARANGAY SABANG

BARANGAY SUKLAYIN

BINALEWALA

CHRISTIAN RYAN STA

DAHIL

DALAWANG

JUDGE ARMANDO YANGA

MARIO MAGNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with