Ex-mayor, 3 pa pinaaaresto ng Supreme Court
April 20, 2006 | 12:00am
Ipinadadakip ng Korte Suprema ang dating alkalde ng Santiago City, Isabela, kasabay ang muling pagbuhay sa kasong double murder na kinakaharap nito.
Sa 25-pahinang desisyon ng Supreme Court (SC), umabuso sa kapangyarihan si Santiago, Isabela Regional Trial Court Judge Anastacio B. Anghad matapos na ipawalang-bisa ang arrest warrant laban kay dating Mayor Jose Miranda at ang tatlo pang akusado.
Itinuturo si Miranda bilang utak sa naganap na pagpatay kina Vicente Bauzon at Elizer Tuliao na kapwa sinunog pa ang mga bangkay.
Subalit sa kabila nito ay nakalusot pa rin sa pagkakaaresto si Miranda makaraang ipawalang-bisa ni Judge Anghad ang arrest warrant laban sa mga akusado.
Ibinasura din ni Judge Anghad ang naturang kaso laban sa mga akusado makalipas lamang ang ilang buwan.
Binigyang-diin ng SC na isang pag-abuso sa kapangyarihan sa panig ni Anghad ang ginawa nitong desisyon dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.
Bunga nitoy agad na ipinalipat ng SC sa Manila Regional Trial Court ang naturang kaso, kasabay nang pag-aatas kay Anghad na muling magpalabas ng arrest warrant laban sa mga akusado.
Batay sa rekord ng korte, naghain ng petition si Miranda sa Court of Appeals (CA) hinggil sa ipinalabas nitong desisyon noong December 13, 2002 at resolution na may petsang Hunyo 12, 2003, kung saan ibinasura ang kanilang motion for reconsideration.
Sinabi ng SC na napatunayang nakagawa si Anghad ng matinding pag-abuso sa kapangyarihan dahil sa ipinalabas nitong joint orders na ipinalabas noong Agosto 17 at September 21, 2002 na siyang nagbasura sa kasong kriminal laban sa mga akusado. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest