Lover ng misis kinatay
April 19, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Halos magkaputul-putol ang katawan ng isang lalaki habang kritikal naman ang misis na kalaguyo nito matapos na pagtatagain ng asawa ng huli na naaktuhang nagtatalik ang dalawa sa madamong bahaging sakop ng Barangay Baliok sa bayan ng Toril, Davao del Sur. Kamakalawa ng gabi. Itinago sa alyas Oscar ang biktima dahil sa pakiusap na rin ng magkabilang kampo, habang nakikipagbuno kay kamatayan sa Davao Medical Center ang 34-anyos na babae. Agad namang sumuko sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Taloma ang suspek na itinago rin sa pangalang Jun, 38, isang game fowl handler. Ayon sa ulat, nadiskubre ng suspek ang pakikipagtalik ng kanyang misis matapos na ipagbigay-alam sa kanya ng kaibigang traysikel drayber. (Joy Cantos)
MALOLOS CITY, Bulacan Walong tauhan ng isang mining company na nakabase sa bayan ng Donya Remedios Trinidad ang napaulat na dinukot ng mga armadong kalalakihan noong Lunes ng umaga, ayon sa human rights group na nakabase sa Bulacan. Ayon kay Fr. Rolly De Leon, tagapagsalita ng Alyansa ng Mamamayan Para sa Pantaong Karapatan (ALMMA), ang mga biktima ay minero ng Metal Ore Mining Company na nakabase sa Barangay Camachin. Ayon sa ulat, ang mga minero ay pinaniniwalaang dinukot ng tropa ng militar bandang alas-10 ng umaga noong Lunes dahil sa pag-aakalang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA). Sinabi ni P/Supt. Jack Jacaban, hepe ng PIIB, pinabulaanan naman ni Col. Noel Clement, commanding officer ng 56th Infantry Battalion ang alegasyon ng nasabing grupo. (Dino Balabo)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended