Abogado niratrat sa farmhouse, todas
April 17, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Isang 48-anyos na abogado at chairman ng Peoples Law Enforcement Board (PLEB) ang iniulat na napaslang habang sugatan naman ang misis nito makaraang ratratin ng mga maskaradong kalalakihan ang mga biktimang natutulog sa kanilang farmhouse sa bahagi ng Barangay Angayan Sur sa bayan ng Balungao, Pangasinan noong Huwebes ng gabi.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Atty. Carlo Magno Uminga, dating NBI agent at naging chief legal staff ng Videogram and Regulatory Board (VRB) na dating pinamumunuan ni Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. at residente ng Barangay Pugaro ng nabanggit na bayan.
Kasalukuyang ginagamot sa Polymedic and Trauma Hospital si Rosa Isabel Uminga, 55, samantala, nakaligtas sa pamamaril ang mga anak ng mag-asawa na kasama nilang natutulog sa nasabing farmhouse.
Ayon kay P/Senior Insp. Jeff Fanged, police chief ng nabanggit na bayan, umabot sa 30 minuto bago pa maipaabot sa kanila ang insidente dahil may kalayuan ang farmhouse sa himpilan ng pulisya.
Sa salaysay ng farm caretaker na si Liberty Fonacier, wala silang nagawa kundi magtalukbong ng kumot habang niraratrat ang kanilang kubo kung saan ay minalas na masapul ang mag-asawa.
Sinabi ni Fanged na kasalukuyang hawak nila ang dalawang suspek, subalit pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan habang sumasailalim sa paraffin test sa Police Crime Laboratory sa Urdaneta City.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang 43-basyo ng malalakas na kalibre ng baril
Napag-alamang may mga kasong may kinalaman sa droga ang hinahawakan ni Atty. Uminga na posibleng may kaugnayan sa naganap na insidente. (Joy Cantos At Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended