Mt. Calvary, dadagsain ng mga deboto
April 13, 2006 | 12:00am
SANTIAGO CITY, Isabela Inaasahang dadagsain ng libu-libong deboto ang Darik Hill sa Barangay Balintokatoc na pinaniniwalaang pinakamataas na bahagi ng nabanggit na lungsod para sa taunang pagsasadula sa buhay ni Jesus Christ sa Semana Santa.
Siniguro naman ni Santiago City Mayor Amelita Navarro, ang kaligtasan ng mga deboto at iba pang lokal na turista mula sa ibang lalawigan matapos makipag-ugnayan sa ibang ahensiya ng gobyerno para sa kaayusan ng mga lalahok sa re-enactment ng buhay ni Jesus Christ partikular bukas.
Ayon sa isa sa mga deboto na si Romy, ang paglahok niya sa taunang pagdarasal at pagsasadula ng talambuhay ni Jesus Christ ay hindi lamang nakakabawas sa kasalanan kundi tila bumabalik siya sa panahon ng Romano habang isinasadula at pinagmamasdan ang malalaking rebulto na gawa sa ginto at tanso na nagsasalarawan kung paano pinahirapan si Jesus ng mga kawal ng Romano.
Bukod sa ibat ibang rebulto na gawa ni Fernando Leaño, isang sculptor mula sa Marikina, ay makikita rin ang replica ng The Last Supper ni Hesus kasama ang labindalawang disipolo sa paanan ng bundok habang sa tuktok naman ng Mt. Calvary ang pinakamalaking rebulto ni Virgin Mary at ang sagradong kapilya.
"This is rolled into one in Dariok Hill. Truly, Santiagueños and other Christian believers from all walks of life converge in the Hill to witness the religious event, Upon reaching Dariok Hill, one cannot help but feel the extreme serenity and spirituality of the place, Dariok Hill is a perfect place for souls longing for renewed faith on Jesus Christ," pahayag ni Navarro. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended