Natagpuang magkakayakap pa ang bangkay ng mga biktimang sina Nenita Dela Cruz, 28; Sarah, 8; Sheila, 3; at Lea, 2, sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Taug Dike, Purok 3 ng nabanggit na barangay na tinupok ng apoy bandang alas-9:10 ng gabi.
Napag-alamang iniwan ni Nenita ang tatlong anak na paslit na natutulog at bumili ng makakain sa kalapit na tindahan kasama ang anak na si Ciara May.
Ayon sa ulat, ilang sandali ay biglang nagliyab ang bahay ng mga biktima at nakarating naman kay Nenita ang insidente kaya nagmamadaling tinungo ang kanilang tahanan.
Sa pag-aakalang maililigtas ang tatlong anak ay agad na pumasok sa nagliliyab na bahay, subalit hindi na ito nakalabas habang tinutupok ng apoy ang buong kabahayan.
Nakaligtas naman ang anak na si Ciara May na kasalukuyang pinagmamasdan ang kanilang nasusunog na bahay.
May teorya ang pulisya na natabig ang gaserang may sindi ng isa sa biktima na natutulog kaya lumikha ng apoy at naganap ang malagim na insidente.