Police chief patay sa nag-amok na kabaro
April 12, 2006 | 12:00am
REINA MERCEDES, Isabela Isang 50-anyos na hepe ng pulisya ang kinalawit ni kamatayan matapos pagbabarilin ng kanyang tauhang nag-amok sa loob ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Reina Mercedes, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay General Jefferson Soriano, police regional director ng Cagayan Valley, nakilala ang biktimang napaslang na si Police Inspector Vicente Dalupas, habang ang suspek naman ay nakilalang si SPO2 Ricardo Pilar.
Ayon sa pahayag ni SPO2 Edwin Esteban, police community relation officer ng nasabing himpilan, dakong alas-11:30 ng hatinggabi kamakalawa habang naghahandang umuwi si Dalupas nang biglang dumating ang senglot na suspek sakay sa kanyang kotse at nagsisigaw kasabay ang paghahanap sa kinaroroonan ng kanilang hepe.
Nang tumayo si Esteban ay agad siyang tinutukan ng baril ng suspek sabay kalabit sa garilyo, subalit pinalad na hindi pumutok kung kayat agad na nakatakbo si Esteban upang kunin ang kanyang baril sa loob ng locker.
Kasabay naman nito ang paglabas ng biktimang si Dalupas mula sa kanyang opisina at nang makita ng suspek ay agad na pinagbabaril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na agad nitong ikinamatay.
Bago tuluyang tumakas ang suspek sakay sa kanyang kotse ay pinagbabaril din ang isa pang kasamahan na si SPO2 Danilo Diones, subalit sa kabutihang palad ay hindi ito tinamaan.
Dakong alas-5:00 ng umaga kahapon nang isugod ang suspek sa ospital matapos magbaril sa leeg na ngayon ay kritikal habang pinapasuko ng mga awtoridad.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumitaw na pinagsabihan ng biktima ang suspek dahil sa kalimitang pagliban sa duty at pagpasok sa trabaho na nakainom ng alak na pinaniniwalaang ikinasama naman ng loob ng huli.
Ayon pa kay General Soriano, may iba pang kaso ng pagpatay ang suspek noong 1987, subalit nalusutan nito at muling nakabalik sa serbisyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
Recommended