2 suspek sa masaker, kalaboso

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang suspek sa Ligao masaker ang bumagsak sa kamay ng pulisya sa isinagawang operasyon kamakalawa ng umaga sa Ligao City. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Arnel Musa, alyas "Ronnie Musa" ng Barangay Cabarian, Ligao City, isang pugante mula sa Donsol BJMP; at ang sumuko na si Eduardo Cuadro, 44, ng Barangay Cabarian ng naturang lungsod. Ayon kay Bicol PNP Regional Director P/Chief Supt.Victor Boco, ang masaker ay naisagawa noong September 30, 2004 sa Purok 1 ng naturang barangay. Kabilang sa mga biktimang pinaslang ay sina Estinson Lomenario, 60; Maritess Reynacia, 29; mga anak na Abegail, 7; at Rosemarie, 6-buwang gulang. (Ed Casulla)

Show comments