5 pulis sibak sa kasong robbery

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Limang tauhan ng pulisya ang iniulat na sinibak sa tungkulin matapos na masangkot sa kasong robbery sa Barangay Looc, Calamba City, Laguna noong Marso 3, 2006. Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga sinibak na sina P/Insp. Ronald Asis Ildefonso, SPO4 Alex Marasigan, SPO1 Apolinario Naredo, PO1 Arnel Sangue at PO1 Amadeo Carpio na pawang nakatalaga sa intel section ng himpilan ng pulisya sa Calamba City. Ang pagkakasibak sa lima ay bunsod ng reklamong inihain ni Virgilio Camba ng Barangay Pulo, Cabuyao, Laguna na ninakaw ng mga suspek ang kanyang pitaka na naglalaman ng P.250 milyon. Mariin naman itinanggi ng lima ang akusasyong robbery ni Camba. (Ed Amoroso)

Show comments