^

Probinsiya

No. 10 most wanted, laglag

-
CAMP CRAME –Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Air Force at Batangas Provincial Police Office ang tinaguriang number 10 most wanted criminal sa Southern Tagalog, ayon sa ulat ng PNP Camp Crame kahapon.

Sa report, kinilala ang nadakip na si Dario Almonte na gumagamit ng mga alyas na Dionisio, Leo, Ka Jojo at Oman.

Sinabi ni Sr. Supt. Samuel Pagdilao, PNP spokesman na ang suspek ay naaresto ng PAF at PNP sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Primo Rines ng Municipal Trial Court ng Real, lalawigan ng Quezon.

Si Almonte ay natunton sa pinagtataguan nitong hide-out sa Sitio Puro, Brgy. Sta. Clara, Batangas City.

Sinasabing magpapahinga umano sa kanyang ‘kuta’ ang suspek habang naghahanda ng makakain nang biglang sumalakay ang mga kagawad ng military at pulisya.

Si Almonte ay nahaharap sa kasong kidnapping with serious illegal detention at ito ngayon ay nasa pangangalaga ng 301st Air Force Intelligence Security Squadron para sa kaukulang imbestigasyon. (Angie dela Cruz)

AIR FORCE INTELLIGENCE SECURITY SQUADRON

BATANGAS CITY

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

CAMP CRAME

DARIO ALMONTE

JUDGE PRIMO RINES

KA JOJO

MUNICIPAL TRIAL COURT

PHILIPPINE AIR FORCE

SAMUEL PAGDILAO

SI ALMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with