Trader patay sa ambush
April 9, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY, Rizal Patay ang isang 55-anyos na negosyante na dating presidente ng tricycle operators and drivers association (TODA) makaraang pagbabarilin ng tatlong di kilalang lalaki kamakalawa sa Brgy. Mayamot ng lungsod na ito.
Agarang namatay sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .45 baril ng biktimang si Rolando Asprec Sr., residente ng #49 Ocean St. Virginia Summerville Subd., ng nasabing lungsod.
Para namang walang nangyari sa mga suspek ang ginawang pagpatay at naglakad lamang papatakas.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon habang nakatayo ang biktima sa harap ng isang hardware na matatagpuan sa kanto ng TOCS Avenue at Marcos Highway ng nasabing barangay.
Bigla na lamang nilapitan ang biktima ng mga suspek na dalawa sa mga ito ay armado ng kalibre .45 baril at agad na pinaputukan sa ulo ang una.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kung may kinalaman sa negosyo o pagiging pangulo ng biktima sa TODA. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest