Tsinoy trader, kahera kinidnap
April 8, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Muli na naman kumana ang notoryus na grupong Pentagon kidnap-for-ransom matapos na kidnapin ang isang 30-anyos na Tsinoy trader at kawani nito sa bahagi ng Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Kabilang sa mga biktima ay nakilalang sina Michael Dy, may-ari ng AG Marketing at ang kahera nitong si Hervelyn de la Cruz, 18, kapwa residente ng Valencia City, Bukidnon.
Sa nakalap na ulat mula sa opisina ni Director General Arturo Lomibao, naitala ang insidente bandang alas-10:30 ng umaga sa bahagi ng Barangay Panang sa bayan ng Wao.
Nabatid na ang mga biktima kasama ang drayber na si Comelio Mendo at ang pahinanteng si Jomar Tilocan Sanchez ay sakay ng isang delivery van nang harangin ng mga armadong kalalakihan na pawang nakasuot kulay asul na unipormeng camouflage ng PNP at bonnets habang ang mga itoy patungo sa Poblacion, Wao.
Napag-alamang iginapos ang drayber kasama ang pahinante sa loob ng van bago nagsitakas ang mga kidnaper tangay ang dalawang biktima sakay ng isang Pregio van na walang plaka patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.
Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng pamilya ng mga biktima na kontakin sila ng mga kidnaper, habang nangangalap ng impormasyon ang mga awtoridad sa pinagkukutaan ng mga armadong kalalakihan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended