^

Probinsiya

Patayan sa Kalinga, lumalala

-
TABUK, Kalinga – Naalarma ang mamamayan sa magkakahiwalay na patayang nagaganap sa nabanggit na lalawigan matapos paslangin ang isang barangay chairman na pinakahuling biktima ng karahasan at naitala bilang ikawalong napatay nitong buwan lamang ng Marso 2006.

Batay sa rekord ng pulisya, pinakahuling biktima ng karahasan ay si Barangay Chairman Gabriel Lambican at ang ama nito na pinagbabaril ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang sakay ng mini-dump truck sa Barangay Bulanao, Tabuk, Kalinga nitong Marso 30.

Nauna rito noong Marso 7, minasaker ang buong pamilya na kinabibilangang nina Salvador Gonzalo, 47, asawa na si Mercy, 47 at isang Charlie Cadater, 30 habang naghahapunan ang mga ito sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Ubbog, Barangay Magsaysay, Tabuk, Kalinga.

Pagkalipas ng pitong araw, Marso 14, ay binaril at napatay naman si Alex Noval sa loob din ng kanyang bahay, kinabukasan ay pinagbabaril naman ng mga hindi kilalang lalaki ang isang kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Amor Gobiangan, sa harapan mismo ng munisipyo.

Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas ay pinagbabaril ng hindi kilalang lalaki ang biktimang si Jimmy Dalire ng Tabuk Kalinga.

Dahil dito ay nangangamba ang mga residente kasabay ng kahilingan ng ilang religious group na lutasin sana ng pamunuan ng pulisya ang magkakasunod na karahasan at huwag nang hintayin na may mababawian na naman ng buhay.

Agad naman na nagpalabas ng direktiba ang pamunuan ng Regional Office-Cordillera sa Kalinga Police Provincial Office, na bigyan priyoridad at dakpin ang mga responsable sa magkakasunod na patayan sa nasabing lalawigan. (Victor P. Martin)

ALEX NOVAL

AMOR GOBIANGAN

BARANGAY BULANAO

BARANGAY CHAIRMAN GABRIEL LAMBICAN

BARANGAY MAGSAYSAY

CHARLIE CADATER

JIMMY DALIRE

KALINGA

KALINGA POLICE PROVINCIAL OFFICE

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with