Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Col. Tristan Kison, naitala ang bakbakan dakong alas-10:45 ng umaga habang nagpapatrulya ang pinagsanib na tropa ng 6th Scout Ranger Company at Special Rangers Battalion sa pamumuno ni Lt. Gawiden ng Armys 4th Infantry Division (ID).
Napag-alaman sa ulat na ang grupo ng mga rebelde na nakasagupa ang militar ay pawang kasapi ng NPA Front Committee 34 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) sa ilalim ng pamumuno ni Maximo Catarata, alyas "Ka Boyet".
Nasamsam sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang M16 rifles, isang M14 , dalawang rifle grenade at iba pang uri ng mga kagamitang pandigma. (Joy Cantos)