^

Probinsiya

3 NPA rebs todas

-
CAMP CRAME –Tatlong kalalakihang rebeldeng New People"s Army (NPA) ang iniulat na napatay sa panibagong sagupaan sa tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay San Mariano, Loreto, Agusan del Sur kamakalawa.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Col. Tristan Kison, naitala ang bakbakan dakong alas-10:45 ng umaga habang nagpapatrulya ang pinagsanib na tropa ng 6th Scout Ranger Company at Special Rangers Battalion sa pamumuno ni Lt. Gawiden ng Army’s 4th Infantry Division (ID).

Napag-alaman sa ulat na ang grupo ng mga rebelde na nakasagupa ang militar ay pawang kasapi ng NPA Front Committee 34 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) sa ilalim ng pamumuno ni Maximo Catarata, alyas "Ka Boyet".

Nasamsam sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang M16 rifles, isang M14 , dalawang rifle grenade at iba pang uri ng mga kagamitang pandigma. (Joy Cantos)

BARANGAY SAN MARIANO

CHIEF COL

FRONT COMMITTEE

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

KA BOYET

MAXIMO CATARATA

NEW PEOPLE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SCOUT RANGER COMPANY

SOUTHERN MINDANAO REGIONAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with