Ambush: 2 todas, 1 grabe
April 7, 2006 | 12:00am
BATAAN Dalawa-katao kabilang ang isang tauhan ng pulisya ang iniulat na napaslang habang isa pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa naganap na madugong karahasan sa kahabaan ng Roman Highway na sakop ng Barangay Bliss, Balanga City, Bataan kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa mga biktimang napatay ay nakilalang sina PO3 Jose Miranda, 42, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Pilar at Pedro Santos, utilityman ng Bataan Provincial Capitol.
Ginagamot naman sa Bataan Doctors Hospital ang sugatang biktima na si PO2 Orlino Valenzuela,security escort ni Bataan Governor Enrique "Tet" Garcia.
Ayon kay P/Chief Insp. Luisito Magnaye, naitala ang krimen ganap na ala-1:15 ng madaling-araw habang magkakasamang uniinom ng alak sina Miranda, Valenzuela at Santos sa NTC Restaurant.
Napag-alamang dalawang motorsiklo ang huminto sa kinaroroonan ng mga biktima at nagpaulan ng sunud-sunod na putok ng malalakas na kalibre ng baril na ikinasawi ng dalawang biktima.
Ayon sa pulisya, nagkayayaan ang mga biktima na uminom ng alak sa nasabing lugar dahil sa kaarawan ng utol ni Pedro na si Danny Santos.
Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa tunay na motibo ng krimen habang sinisilip kung may kinalaman sa isyu ng politika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended