5-anyos nan-rape ng 3-anyos
April 6, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Isang 5 anyos na batang lalaki ang ipinailalim sa custody ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos ireklamo ng panghahalay sa isang 3-anyos na batang babae ng mga magulang ng biktima sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.
Kaugnay nito, nagulat ang mga abogado sa Bulacan matapos malamang kinasuhan ng rape ang batang akusado, samantalang ipinagbabawal ng batas ang pagsasampa ng kaso sa sinumang may edad na siyam na taon pababa.
Ayon kay Lydia Nicodemus, assessment clerk sa Malolos City prosecutors office, ang insidente ay naganap noong Marso 23 ng umaga sa Barangay Caniogan ng nabanggit na lungsod.
Napag-alamang ang kasong rape laban sa 5-anyos na suspek ay isinampa sa piskalya ni SPO4 Leony de Belen ng Malolos City police station womens desk dahil batay sa pagsusuri ng mga doctor sa ari ng biktima ay may palatandaang nagkaroon ng laceration.
Batay sa ulat ng pulisya, naaktuhan ng ina ng biktima na naglalaro ng apoy ang batang suspek at ang anak niya bandang alas-12 ng tangahli noong Huwebes ng Marso 23, 2006.
Matapos na paghiwalayin ng ina ang dalawa ay agad na dinala sa Bulacan Provincial Hospital ang biktima para ipa-examine at lumabas sa pagsusuri na positibong ginalaw ang paslit.
Nagdepensa naman ang ama ng suspek na hindi totoo ang nasabing akusasyon.
Sinabi umano nito kay Nicodemus na imposible ang akusasyon dahil magkahiwalay ang biktima at suspek.
Samantala, sinabi ni Atty Jose dela Rama, na nakakagulat ang nasabing kaso.
Subalit, ang higit na nakakagulat ay ang pagsasampa ng kaso laban sa isang limang taong gulang, samantalang may batas na nagbabawal na magsampa ng kaso sa sinumang suspek sa krimen na mababa sa siyam na taon ang edad.
Ayon kay Ariel Santiago, jail warden ng provincial jail, ipinagbabawal ng batas ang pagsasampa ng kaso sa mga taong mababa ang edad sa siyam na taon. (Dino Balabo At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest