Abu Sayyaf commander patay sa sagupaan
April 5, 2006 | 12:00am
Napaslang sa engkuwentro ang isang kilabot na kumander ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na may patong sa ulo nito na P.3 milyon, kapatid nito at isang miyembro ng CAFGU matapos masabat ng mga elemento ng militar sa Sacol Island sa pagitan ng lalawigan ng Basilan at Zamboanga kamakalawa.
Kinilala ang ASG leader na si Romy Akilan, may patong sa ulong P300,000 at kapatid nitong si Patta, pawang aktibo sa ASG na kumikilos sa Basilan at Zamboanga at sa mga karatig lugar sa Western Mindanao.
Ayon kay Army Spokesman Maj. Bartolome Bacarro, ang nasawing CAFGU ay si Mujid Ammang.
Sa report ni Armys 103rd Brigade commander Brig. Gen. Raymundo Ferrer, dakong alas-4:30 ng hapon nang makasagupa ng mga elemento ng Task Force Zamboanga ang mga bandido.
Tumagal umano sa 30 minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde na nagresulta sa pagkakapaslang kay Akilan, Patta at Ammang. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest