Mag-lolo, pinabulagta
April 4, 2006 | 12:00am
BAMBANG, Nueva Vizcaya Agad na binawian ng buhay ang mag-lolo matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan sa loob mismo ng kanilang tahanan habang nanonood ng telebisyon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Sa ulat na ipinarating kay P/Senior Supt. Rogelio, police provincial ditector, nakilala ang mga biktimang pinaslang na sina Santiago Mingala, 71; at Michael Mingala, 18, kapwa residente ng Barangay San Antonio South, Bambang ng lalawigang nabanggit.
Sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa habang nanonood ng telebisyon ang mag-lolo nang bigla ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na pumasok sa likurang pintuan ng nabanggit na lugar.
Sinubukang isugod sa ospital ang mga biktima, subalit kapwa hindi na nakaabot ng buhay.
Sa kasalukuyan ay palaisipan pa rin sa mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pagpatay. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest